Ikaw… at AKO LANG

Ikaw… At AKO LANG

Ang tagal. Ang tagal kong inantay to.
Pero di ko akalaing ang naging bato
Ay babalik sa pagiging malambot.

Halos limang taon. Limang taon lang naman akong umasa.
Umasa na balang araw ako naman.
Umasa na minsan ay lilingon ka.
Umasa sa isang ideya na alam kong wala namang pag asa.
Pero eto ako, eto ako, andito pa rin.
Hindi nawalan ng pagasa, kumakapit, kumapit.
Tao din ako. Napapagod.
Tanga man pero napupudpod din.
Lahat naman siguro ay ginawa ko.
Pati ikaw mismo ay nabuo ko.
Pero simula nang aminin ko sayo ang tinatagong nararamdaman,
Sagot mo saki’y “Hahahaha lamang”
Nakakatawa ba? Nakakatawa bang makita o malaman na mahal kita?
Masakit. Oo masakit. Sobrang sakit.
Pero kahit kelan di mo nakita at di mo naramdaman ang ganitong pait.
Kasi sino ka ba naman, gwapo, astig, kaibig ibig.
eh ako? Di hamak na isa lang sa mga nagkakandarapang nanlilimos ng iyong pagibig.
Ginawa ko ang lahat mapansin mo lang.
Assignment mo, Exams mo, projects mo.
Sagot ko yan. Akong bahala sayo.
Mahal kita eh.
Kahit ako, laruan mo lang.
Tanga e. Tanga na gaga pa. Pero bakit mahal pa din kita?
Pinilit kong makalimot.
Sinamantala ko ang pagkakataong lumusot.
Lumusot sa bagay na alam kong ayaw kong bitawan,
Ayaw magpabitaw.
Sadyang pinipilit ko yatang pagsamahin ang tubig at langis.
Nilalagyan ng asukal ang sili.
Nagbabakasakaling ito’y magsasama at ang maanghang na kapalaran ay mabibigyan ng tamis.
Tamis na ako lang ang kayang magbigay,
Na sa bawat tamis ay tila pagtapon ang inalay.
Tinapon dahil ako’y di naman kanyang kaakbay.
At hindi nya kahit kailan magiging kaakbay.
Pero di ko inakalang nakaya ko.
Nakaya kong malimutan ang nararamdaman.
Itinapon ang mga sandaling pilit kong pinagsama.
Kinalimutan ang mga bagay na minsan kong inasam.
Winalis ang mga araw ng pagmamahal at iyong mga alaala.
Ang dating mahal na mahal ko, ngayon minahal ko nalang.
Kinayang makaalis sa pagkakakulong sa iyong pusong hindi ako nakita.
Pinilit ang sariling kumalas ss kadenang humihingi ng atensyon.
Nilagyan ng mga bakod, matitibay na bakod ang damdamin ko palayo sa iyo.
Pero isang araw lumapit ka sakin at parang walang nangyare.
Kumatok ka ss bakod kong itinayo at pinaghirapang buuin ng matagal na panahon.
At tila di ko maintindihan na sa isang katok mo lamang ay nasira ang lahat ng aking depensa.
Sabik na sabik pa ang pusong ito sa iyong presensya
Bakit ganito nalang lage?
Parang hindi mo ako hinahayaang makaalis sayong balwarte.
Hindi ko maintindihan bakit ang bilis kong bumigay,
Ang halos isang taon kong pagkamit ng pagkalimot ay tila nabura ng isang paglalambing.
Ang tanga tanga ko. Ang tanga tanga ko.
Gaga gaga gaga! Di na ako natuto.
Di ko alam baket ganito na naman ang nararamdaman ko.
Bakit ba hanggang ngayon pakiramdam ko’y hindi ka talagang nawala.
Sayo at sayo pa rin. Ikaw at ikaw pa rin?
Kelan mo ba ako papakawalan?
Aasa na naman ba ako sa isang bagay na wala namang pagasa?
Bes naman! Ano ba. Ikaw yata talaga ang gusto ng puso ko.
Tila di ko kayang labanan ang lakas mo.
Ang lakas mo dahil sabi mong ayaw mong mawala ako.
Pero bakit ganito? Hanggang dito nalang ba talaga alo?
Na kahit kailan hindi makikita sa posisyon na gusto kong makita mo ako?
Wala e. Bes mo lang ako.
At sya, sya lang naman yung girlfriend mo.

BY: RENZI TAFALLA ARRIOLA
03-05-17 3:44AM

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s